Dumpsite sa Metro pinabubusisi ng kongreso
October 31, 2004 | 12:00am
Pinabubusisi ng Kongreso ang lumalalang problema sa mga dumpsites sa Metro Manila partikular ang Payatas at Smokey Mountain dahil sa nalalanghap na methane gas ng mga residente na peligroso sa kanilang kalusugan.
Sinabi ni Pampanga Rep. Rey Aquino, dapat imbestigahan ng Kongreso ang long term effect sa kalusugan ng mga nakatira sa Payatas dumpsite at Smokey Mountain dahil sa nalalanghap nilang methane gas.
Nangangamba si Rep. Aquino ang mas malalang idudulot nito sa kalusugan ng mga residente kapag hindi kumilos agad ang pamahalaan para maagapan ang sakit na idudulot ng methane gas sa tao.
Iginiit pa ni Aquino sa Department of Health na makipag-ugnayan ito sa mga kinauukulang ahensiya sa Estados Unidos at Europe para magsagawa sila ng pag-aaral sa mga landfills at dumpsite lalo na ang magiging epekto ng pagsinghot ng methane gas sa mga residente.
Tinatayang aabot sa 50,000 ang residenteng nakatira sa Payatas dumpsite sa Quezon City at dating Smokey Mountain dumpsite sa Tondo, Maynila.
Naunang hiniling din ni dating House Minority Leader Carlos Padilla Jr. kay Pangulong Arroyo na bumuo ng task force para imbestigahan ang dalawang dumpsites.
Ayon kay Rep. Padilla,dapat ipakita ni Pangulong Arroyo ang kanyang pagmamalasakit sa mga residente dito dahil sa pangambang dulot ng nasisinghot nilang methane gas at iba pang toxic chemicals na ibinubuga pa rin ng dating tambakan ng basura. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest