^

Bansa

Corpus nag-sorry na kay Loren

-
Humingi na ng paumanhin si AFP Civil Relations Chief, B/Gen. Victor Corpus kay Sen. Loren Legarda matapos niya itong bansagang "political prostitute" sa ginanap na pagdinig ng Senado kahapon.

Ayon kay Corpus, kung maituturing na "foul" ang mga binitiwan niyang salita laban kay Sen. Legarda ay humihingi siya ng apology.

Sinabi ni Corpus sa Senate committee on national defense and security na pinamumunuan ni Sen. Rodolfo Biazon, ang ibig niyang ipakahulugan sa political prostitute ay ang pagiging "political butterfly" ni Legarda dahil hindi lamang ito palipat-lipat ng kampo kundi nakikipaglaro din sa kampo ni CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison at sa grupo ng Kawal Pilipino.

Iginiit pa ni Corpus, kung ang pagiging political butterfly o paglipat lamang ng kampo ay hindi masama pero ang makipag-ugnayan sa grupong terorista tulad ng CPP-NPA ay hindi na legal.

Iminungkahi din nito sa Senado na imbestigahan ang pagkakaroon umano ng ugnayan ni Legarda sa grupong maka-kaliwa at maka-kanan.

Sa pahayag naman ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal, nirerespeto at itinuturing na kaibigan ng kilusan si Legarda.

Reaksiyon ito ni Ka Roger matapos maglabasan ang ulat hinggil sa umano’y pakikipag-ugnayan ni Legarda sa maka-kaliwang grupo.

Aminado si Ka Roger na hindi siya makakaboto pero kung mabibigyan ng pagkakataon ay siguradong si Legarda ang iboboto niya. (Ulat nina Rudy Andal/Joy Cantos)

vuukle comment

CIVIL RELATIONS CHIEF

JOSE MARIA SISON

JOY CANTOS

KA ROGER

KAWAL PILIPINO

LEGARDA

LOREN LEGARDA

RODOLFO BIAZON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with