^

Bansa

P 24.75 M tangay ni Ping sa US

-
Sa kainitan ng impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada, nagtagumpay umano si dating PNP Director General Panfilo Lacson na ilabas sa bansa ang limpak-limpak na kayamanan nito.

Ibinulgar kahapon ni Atorni Jesus Santos na mahigit sa P24.75-M sa kasalukuyang palitan ng piso sa dolyar ang nakuhang ipadala ng ngayo’y senador ng bayan, sa bank account ng asawa nito sa Amerika habang kasagsagan ng impeachment complaint laban sa dating pangulo.

Sa dokumentong ibinigay ng US Attorney’s Office, lumitaw na nasa isang sangay ng Philippine Commercial and Industrial Bank sa BF-Aguirre ang maybahay ni Lacson na si Alice de Perio Lacson upang magpadala ng US$100,000 sa sangay ng Bank of America sa California noong Nobyembre 13, 2000.

Ayon kay Santos, napunta ang nasabing halaga sa account number 2430101390 na pag-aari umano mismo ng asawa ni Lacson.

"Alam ba ni Erap ito?" patutsadang tanong ni Santos, abugado at tagapagsalita ni First Gentleman Mike Arroyo matapos na makita ang mga detalyadong ulat hinggil sa umano’y itinagong kayamanan ni Lacson sa Amerika.

Idinagdag pa ni Santos na matapos ang dalawang araw, isang nagngangalang Teresita Go, kaibigan umano ng pamilyang Lacson, ang nagdeposito naman ng US$50,000 para sa account ni Ginang Lacson sa Amerika sa sangay ng Hongkong Shanghai Banking Corp sa Makati.

"Makalipas ang 12 araw o noong Nobyembre 27, 2000 panibagong US$150,000 naman ang idineposito muli sa account ni Ginang Lacson sa Bank of America," pahayag pa ni Santos sa mga dokumentong pinirmahan ni commissoner Miles Erlich, assistant US attorney sa Northern District ng California.

Idinagdag pa ng batikang trial lawyer na isang araw matapos ang kapaskuhan ng taong 2000, muling nagdeposito si Mrs. Lacson ng US$145,000 sa kanyang account sa Bank of America.

"Sa kabuuan, mahigit sa P24.75M ang naideposito sa account ni Ginang Lacson sa Amerika sa loob lamang ng anim na linggo, habang si Ginoong Estrada ay nakasadlak sa kanyang problemang mapatalsik sa puwesto. Alam kaya ni Erap ito?" wika pa ni Santos.

Isa lamang anya ito sa anim na bank account ng mag-asawang Lacson.

vuukle comment

ACCOUNT

ALAM

AMERIKA

ATORNI JESUS SANTOS

BANK OF AMERICA

DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

ERAP

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINANG LACSON

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with