^

Bansa

Bilyong piso nawala sa bansa dahil sa paninira

-
Sinabi ngayon ni Atorni Jesus Santos na bistado na ng publiko ang mga umano’y kasinungalingan ni Senador Panfilo Lacson kaugnay sa pagdawit ng senador sa pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo sa binitawang privilege speech nito sa Senado.

Ayon kay Santos, tumatayong abugado ni Ginoong Arroyo sa mga kasong libelo laban kina Sen. Lacson, Cavite Rep. Gilbert Remulla at spokesman Lito Banayo, buko na ang mga umano’y pagsisinungaling ng senador matapos na lumabas ang tunay na Jose Pidal noong Huwebes ng gabi sa isang telebisyon.

Sinabi ni Santos na ang nakatakdang paglitaw ni Pidal sa publiko sa mga susunod na araw ang magbibigay-wakas sa mga maling alegasyon na ipinakalat ni Lacson sa loob at labas ng bulwagan ng Senado at magsisilang sa katotohanan na magkahiwalay na personahe sina Arroyo at Pidal.

Bukod dito, naniniwala rin si Santos na pagkamuhi ng taumbayan ang mararanasan ni Lacson matapos magdulot ng pagkawala nang bilyun-bilyong piso sa ekonomiya ang kanyang mga maling paratang.

"Winasak niya ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa kanyang maling paratang, ilang milyong trabaho ang nawala dahil naging bahag ang buntot ng mga negosyante na mamuhunan sa bansa," paniniwala pa ni Santos.

vuukle comment

ATORNI JESUS SANTOS

CAVITE REP

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GILBERT REMULLA

GINOONG ARROYO

JOSE PIDAL

LACSON

LITO BANAYO

PIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with