^

Bansa

LDP at NPC magsasanib

-
Ikinokonsidera na ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ang pagbuo ng koalisyon sa Nationalist People’s Coalition (NPC) upang maisulong ang isang plataporma at presidential candidate sa 2004.

Ibinunyag ni Makati Rep. Butz Aquino, secretary general ng LDP na pinaplantsa na ng dalawang partido ang kanilang pagsasanib ng puwersa upang mapaghandaan ang 2004 national elections.

Bagaman at wala pa aniyang napipiling kandidato ang kanilang alliance ay siguradong ito ang magiging pinakamalaking partido ng bansa.

Magugunitang nasa 50 kongresista mula sa NPC ang humikayat kamakailan kay businessman Danding Cojuangco na tumakbong presidente sa 2004.

Pumayag naman ang LDP executive board noong nakaraang linggo na makipagsanib ng puwersa sa ibang partido upang isa na lamang ang kandidato ng oposisyon.

Sinabi pa ni Aquino na posibleng sumanib din sa kanilang partido ang ibang miyembro ng Lakas dahil wala pa rin itong napipiling presidential candidate hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

AQUINO

BAGAMAN

BUTZ AQUINO

DANDING COJUANGCO

DEMOKRATIKONG PILIPINO

IBINUNYAG

IKINOKONSIDERA

MAKATI REP

MALOU ESCUDERO

NATIONALIST PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with