Petron Station binomba ng MILF, 4 nadale
() - November 11, 2002 - 12:00am
ZAMBOANGA CITY — Tinutugis ng mga tropa ng militar ang isang bomber na pinaghihinalaang miyembro ng hit squad ng separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagbomba noong Sabado sa isang gasolinahan sa Central Mindanao.

Ayon kay Col. Daniel Lucero, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Command na apat katao ang malubhang nasugatan nang bombahin dakong alas-2:45 ng hapon ang Petron Gas Station na matatagpuan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao sa pamamagitan ng isang improvised explosive device.

Sa lakas ng pagsabog ay halos nawasak ang kabuuan ng gasolinahan na pag-aari ng isang Datu Andal Ampatuan Jr.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, ang bomba ay ibinalot sa isang plastic bag at pagkatapos ay itinapon sa basurahan malapit sa nasabing gasolinahan ng hindi pa nakikilalang suspek na mabilis umalis sa lugar at ilang minuto ay sumabog na ito.

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya mula sa mga nakasaksi sa pangyayari at nakakita sa suspek na naglagay ng bomba ay agad nilang natukoy na kagagawan ito umano ng separatistang MILF.

Ang MILF na kilalang Muslim insurgent group ng bansa ay iniuugnay umano sa Indonesian based Jemaah Islamiyah (JI) movement na may kagagawan sa pagbomba sa Bali, Indonesia noong Oktubre 12 na ikinasawi ng mahigit 190 katao.

Subalit pinabulaanan ng MILF na sila ay grupo ng terorista at iginiit na tumatalima sa pinagkasunduang peace talks noong nakalipas na taon.

Sinisilip din ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa extortion activities ng ilang masasamang elemento sa nasabing lugar. (Ulat ni Roel Pareño)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CENTRAL MINDANAO DANIEL LUCERO DATU ANDAL AMPATUAN JR. JEMAAH ISLAMIYAH MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT PETRON GAS STATION ROEL PARE SHARIFF AGUAK SOUTHERN COMMAND
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with