^

Bansa

'Bubble Gang' nambastos raw ng DOH dengue campaign

-
Nanawagan kahapon ang isang mass-based NGO sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), Kilusan ng mga Broadcasters sa Pilipinas (KBP) at National Telecommunications na suspindihin sa ere ang malaganap na programa sa GMA-7 na ‘‘Bubble Gang’’ dahil sa umano’y ginawang pambabastos nito sa Dengue information campaign program ng Department of Health (DOH).

Sa pahayag ng isang nagpakilalang Rosario Afable ng Kalusugan Ng Masa, isang Health-based non-government organization, na walang karapatan ang programang ‘‘Bubble Gang’’ na babuyin ang isang information campaign na ang layunin ay magligtas ng buhay lalo na sa epidemyang hatid ng sakit na dengue.

Tinukoy ni Afable ang ginawang spoof ng isa sa aktor ng Bubble Gang na si Wendel Ramos noong nakaraang Biyernes nang i-spoof nito si Health Secretary Manuel Dayrit.

Sa bersyon ni Ramos ay sinabi nito na… ‘‘Ang Dengue ay nakamamatay, upang maiwasan ang Dengue, papasukin ang lahat ng lamok sa kulambo at saka lumabas…’’

Binigyang diin ni Afable na ang TV campaign ay talagang iniukol ng DOH sa masa na siya rin namang tagasubaybay ng Bubble Gang upang mabigyang paliwanag ito sa lagim na dulot ng dengue at kung paano ito maiiwasan.

‘‘Nakatatakot isipin ang subliminal effect ng programang tulad ng ‘‘Bubble Gang’’ sa mga bata at gayundin sa masa na hindi nakababasa at nakasusulat dahil maaaring gawin nila o isipin na tama ang ini-spoof ng Bubble Gang,’’ sabi pa ni Afable.

Dinagdag pa ni Afable na ang mga life-saving – information campaign ng mga government agencies particular ng DOH ay dapat na ginagalang at hindi dapat na binabastos o ini-spoof. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

AFABLE

ANDI GARCIA

ANG DENGUE

BUBBLE GANG

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY MANUEL DAYRIT

KALUSUGAN NG MASA

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS

ROSARIO AFABLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with