P3/L taas presyo sa gasolina

Diesel, P0.60/L rollback
MANILA, Philippines — Inaasahang magkakaroon ng taas-baba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon sa isang oil industry source, inaasahang aabot sa P2.90 hanggang P3.20 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.
Samantala, may tapyas naman na mula P0.40-P0.60 kada litro sa diesel.
Ang pagtaya ng source ay nakabase sa Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay karaniwang iniaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest
















