^

Bansa

SC: Lalaki rape victim din

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Korte Suprema (SC) na maaari ring maging biktima ng sexual violence ang mga lalaki at maaaring managot ang mga babae sa kasong rape sa ilalim ng pinalawak na depinisyon ng batas.

Sa desisyong inilabas noong Pebrero 4, 2026, pinagtibay ng SC En Banc ang hatol laban sa isang tiyahin na napatunayang guilty sa kasong statutory acts of lasciviousness kaugnay ng pang-aabuso sa kanyang 11-anyos na pamangking lalaki.

Batay sa mga rekord ng korte, noong 2018 ay tinawag umano ng tiyahin ang bata sa kanyang higaan, pinahubad ito at, saka hinalay.

Una nang hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) ang akusada ng lascivious conduct sa ilalim ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Gayunman, sinabi ng SC na ang tamang krimen ay statutory acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code at hindi sa ilalim ng RA 7610.

Ipinaliwanag ng Korte na ang lascivious conduct ay karaniwang ginagamit sa mga sitwasyong ang menor-de-edad ay tila pumayag dahil sa impluwensiya ng isang nakatatanda. Ngunit hindi ito maaa­ring iangkop sa kaso dahil ang isang 11-anyos na bata ay walang kakayahang magbigay ng legal na pahintulot o consent.

Ayon pa sa SC, noong 2018 ay hindi pa saklaw ng depinisyon ng rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code ang naturang gawain. Ang nasabing probisyon ay pinalawak lamang sa pamamagitan ng Republic Act No. 11648 na naisabatas noong 2022.

“Thus, there is a void where the penalized act is committed by a woman who, without consent, puts a man’s penis into her vagina,” ayon sa desisyon ng Korte.

Binigyang-diin din ng SC na ang dating depinisyon ng rape, na nakatuon lamang sa lalaking gumawa ng krimen laban sa babae, ay nakaugat sa makalumang pananaw na itinuturing ang kababaihan bilang pag-aari ng kanilang asawa o ama.

“Men can also be victims of sexual violence,” diin ng Korte Suprema.

Dagdag pa nito, ang epekto ng sexual violence ay pareho ang bigat anuman ang kasarian ng biktima. Hindi rin anila dapat kuwestiyunin ang kredibilidad ng isang biktima dahil lamang sa iba ang naging reaksyon nito sa naranasang trauma.

SC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with