^

Bansa

Anak ni Marcos dinakip ng FBI

-
HONG KONG - Isang negosyanteng Pilipino na anak umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at matagal nang wanted ng mga anti-graft authorities ng Hong Kong ang inaresto ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation sa isang operasyon sa New York, ayon sa isang ulat ng South China Morning Post kahapon.

Sinabi sa ulat na inaresto noong Miyerkules ang suspek na si Edilberto Marcos makaraang bentahan niya ang isang ahente ng FBI ng pekeng 20 milyong US dollar share certificate para sa ginto na nagkakahalaga ng $800 milyon at nakalagak sa isang banko sa Switzerland.

Nabatid na tinutugis din ng International Commission Against Corruption ng Hong Kong si Marcos dahil sa planong pagkuha ng credit sa pamamagitan ng paggamit ng $148 bilyon na pawang mga pekeng US Federal Reserve notes.

Inaresto rin ng FBI ang umano’y isang dating tagapangulo ng Presidential Commission on Good Government na si David Castro na director din ng Metro Grant Holding na isang kumpanyang itinayo ni Marcos sa Hong Kong noong nakaraang taon. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

DAVID CASTRO

EDILBERTO MARCOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

FEDERAL RESERVE

GOOD GOVERNMENT

HONG KONG

INTERNATIONAL COMMISSION AGAINST CORRUPTION

ISANG

METRO GRANT HOLDING

NEW YORK

PANGULONG FERDINAND MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with