^

PSN Palaro

Triple or double?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

And now, pati sa volleyball, mukhang padami ng padami ang nangingibang bayan.

Sabi nga ng lumang kanta ni Florante, “Dito ba’y wala kang paglagyan?”

Yes, pati ngayon si Tots Carlos, ang three-time MVP ng Philippine Volleyball League, ay sisibat papunta sa Korean V-League.

Nag-apply si Tots para sa Asian quota draft ng KVL, meaning pwede siyang makuha ng kahit anong team doon bilang Asian import.

Malaking kawalan sa Creamline, and powerhouse sa PVL, at sa Philippine volleyball in general, kung aalis si Tots.

Parang umalis si June Mar Fajardo sa San Miguel Beer.

At dehins lang si Tots ang may balak lumipat sa KVL. Kasama din sila Mylene Paat ng Chery Tiggo at MJ Phillips ng Petro Gazz. Puro big names sa PVL.

Ang alam ko, dehins na din barya ang sahod ng volleyball superstars dito sa atin. In fact, sumasabay na sa PBA salary. Daan-libo na din a month para sa volleyball superstars ang sweldo.

Pero kahit gaano pa kalaki yan, kung triple or double naman ang ihahain sayo abroad, eh talagang kakagatin mo din.

May nga nauna na din kabilang sila Jia Morado, Ced Domingo, Iris Tolenada at si Jaja Santiago.

Eh kahit ako.

Habang bata pa nga naman, habang may asim pa, kunin na nila ang opportunity na kumita ng mas malaki. Sayang ang chance.

Hindi lang pang isports, pang-pamilya pa.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with