^

Probinsiya

11-anyos patay sa tatay na adik, ate sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
11-anyos patay sa tatay na adik, ate sugatan
Sa ulat nitong Martes ni Lt. Col. Christopher Cabugwang, hepe ng Parang Municipal Police Station, kay Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, nakakulong na ang ama ng mga biktima na  kinilalang si Adjis Sanday Ayob, 35-anyos, na nahaharap sa mga kaukulang kaso.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki habang sugatan ang kanyang babaeng kapatid na 14- anyos makaraan silang pagsasaksakin ng kanilang sariling ama na lasing at hinihinalang nasa impluwensya ng ipinagbabawal na droga sa loob ng kanilang tahanan sa Parang, Maguindanao del Norte nitong hatinggabi ng Linggo.

Sa ulat nitong Martes ni Lt. Col. Christopher Cabugwang, hepe ng Parang Municipal Police Station, kay Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, nakakulong na ang ama ng mga biktima na  kinilalang si Adjis Sanday Ayob, 35-anyos, na nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Alam ng mga kamag-anak at kanilang mga kapitbahay sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Parang na lulong sa inuming nakakalasing at shabu si Ayob na isang overseas worker ang kabiyak.

Ayon kay Cabugwang, inamin agad ni Ayob sa kanilang mga imbestigador ang ginawang paulit-ulit na pagsaksak sa anak na si Asrap na namatay agad dahil sa mga tinamong mga matitinding saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at sa nakakatanda niyang kapatid na babae na si Bai, na nasa isang hospital na.

Sinabi ng suspek sa mga pulis na nawala siya sa kanyang sarili habang nasa impluwensya ng alak kaya niya nagawang pagsasaksakin ang mga anak.

Isang domestic helper sa ibang bansa ang ina ng mga bata, ayon sa mga kamag-anak na naninirahan din sa Parang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with