^

Police Metro

Seguridad sa SONA mas hinigpitan

Danilo Garcia - Pang-masa
Seguridad sa SONA mas hinigpitan

Inihahanda ng isang miyembro ng Bayan Muna ang effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte para iparada ngayong araw ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasan Complex, Quezon City. Michael Varcas

Dahil sa mga pag-atake ng NPA...

MANILA, Philippines - Hindi papapormahin ng mga pulis ang mga militante na magsasagawa ng kilos-protesta ngayong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa Batasan Complex sa Quezon City.

Ito ang sinabi ni National Capital Regio­nal Police Office chief, Police Director Oscar Albayalde, makaraan ang sunud-sunod na pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng pamahalaan at maging ang nagaganap na digmaan sa Marawi City.

Kinausap na ang mga lider ng mga militanteng grupo na bantayan ang kanilang hanay at huwag gagawa ng aksyon na makakasira sa seguridad dahil sa posibilidad na malusutan sila ng mga rebelde na magpapanggap na mga aktibista.

 Ipinaliwanag pa ni Albayalde na batid ng lahat na nagkakaproblema ngayon sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) at ng pamahalaan kaya kailangan na mas mahigpit ang pagbabantay sa mga demonstrador.

Nasa 6,300 pulis at 300 sundalo ang itatalaga sa SONA ng Pangulo na mas malaki sa 4,000 tauhan na ikinalat noong nakaraang taon.

Nilinaw naman ng opisyal na wala pa silang nakakalap na impormasyon sa banta sa seguridad ng SONA buhat sa kanilang mga “intelligence networks”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with