Malakanyang: Korte bahala sa kaso ni Revilla

MANILA, Philippines — Ipinapaubaya ng Malacañang sa Sandiganbayan ang pagpapasya sa kaso ni dating Senador Bong Revilla kaugnay ng kasong malversation of funds.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nirerespeto ng administrasyon ang anumang resolusyon o desisyon ng mga korte.
Dagdag pa ni Castro, nasa kamay na rin ng mga prosecutors kung ano ang nararapat na aksyon o remedyo hinggil sa order o resolution ng Sandiganbayan. “Dapat lang na manaig ang batas at ang proseso sa desisyon,” ani Castro.
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos makapagpiyansa si Revilla ng P1 milyon para sa kasong kinakaharap sa Sandiganbayan.
- Latest
















