^

Pang Movies

Matteo nakuha na ang lahat!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow Salve A., Matteo Guidicelli has every reason to feel fulfilled nitong katatapos niyang mag-26th birthday.

In any case, guess kung sino ang kanyang special guest sa salo-salo na inihanda ng kanyang pa­rents sa kanilang family-owned restaurant in Cebu City?

Walang iba kundi si Sarah Geronimo, ang kanyang girlfriend.

Katatapos lang din ni Matteo ng pelikulang Cant’t Help Falling In Love, kung saan kasama niya for the first time ang premier love team of local showbiz na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Produced by Star Cinema, it’s Matteo’s first time rin na maidirek ni Direk Mae Cruz-Alviar.

May isa pang movie, bukod sa isang series, na ginagawa si Matteo, ang My Ghost Bride, this time with Kim Chiu playing the title role.

Ito’y bukod sa ilang sports activities na kanya pang sasalihan within the year.

TV-radio host, na-link noon sa konrtobersyal na si Cong. Tonyboy

Dati palang asawa ng former Miss Universe na si Margie Moran ang kasalukuyang nai-involve sa controversy na Congressman, si Tonyboy Floirendo, Jr.

Kung anuman itong kontrobersiya ng Davao Representative, kayo ang bahalang mag-research. Basta ang isa pang ‘chismis’ na aming narinig, Salve A., na-link din itong si Rep. Floirendo sa isang da­ting aktres, na ngayon ay kilala nang TV at radio host.

Happily married na ngayon ang TV-radio host.

Pamangkin din ng former Davao Congressman-husband ni Dawn Zulueta na si Anton Lagdameo si Rep. Anton.

Small world, ‘di ba, Salve A.?

Dimples hindi kayang bastusin ang mga magulang

Sinisiguro raw ni Dimples Romana na hindi niya ‘dinadala’ sa kanilang bahay ang kanyang role bilang Amanda sa still ongoing series, The Greatest Love.

Hate na hate niya raw ang role na kanyang ginagampanan, since si Amanda ay kabuuan ng isang suwail na anak, na kung sagut-sagutin ang ina, na ginampanan ni Sylvia Sanchez, ay akala mo hampas-lupa itong nilalang (Sylvia).

As a daughter daw in real life, she is the exact opposite ni Amanda, Salve A. Hindi lamang siya magalang at mabait na anak sa kanyang parents, loving din siya.

Mahal na mahal din niya ang kanyang mga kapatid.

Mapagmahal din daw siyang asawa (kay Boyet Amhee, non-showbiz) and ideal Mom to her two children, Cai and Alonzo, seven and three, respectively.

Pero natsa-challenge si Dimples sa role niya sa The Greatest Love lalo’t sa mga eksenang magkasama sila ni Sylvia.

Bilang actress daw, walang dudang napakagaling ni Sylvia.

Kung sabagay, ‘di rin daw pahuhuli ang kanyang iba pang kasamahan dito na sina Andi Eigenmann, Matt Evans, at Aaron Villaflor, na pawang gumaganap bilang nakakabata niyang mga kapatid.

Saludo rin daw siya kay Nonie Buencamino, na gumanap na lover ni Sylvia at ama ni Andi.

“I’ll miss all of them, kapag nag-end na ang The Greatest Love,” ang madamdaming saad ni Dimples.       

Alex ipinamigay ang 20 pares ng sneakers at mga damit

Nag-donate pala si Alex Medina, who is also in the cast ng The Greatest Love, ng 20 pairs na ‘di pa gaanong gamit na sneakers at ilang box ng slightly used shorts, jeans, and jackets sa Share The Love, Put In A Box Campaign initiated by Share The Love Philippines, isang non-profit organization.

Si Alex ay kasalukuyang endorser ng Pony shoes.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with