^

Punto Mo

EDITORYAL - Basura ng Cana da, maibabalik na sa kanila?

Pang-masa
EDITORYAL - Basura ng Cana da,  maibabalik  na sa kanila?

LIMANG taon nang nasa bansa ang mahigit 100 containers ng basura na nagmula sa Canada. Dumating sa bansa ang mga container ng basura noong 2013 at 2014. Pawang household at hospital wastes ang laman ng containers. Dalawampu sa containers ng basura ay itinapon sa Tarlac noong Mayo 2015 samantalang ang karamihan ay nananatili sa Port of Manila at Subic.

Nang mag-usap si President Rodrigo Duterte at Canadian Prime Minister Justin Trudeau kahapon, nabanggit ang tungkol sa basura at nagbigay ng positibong reaksiyon ang Canadian leader ukol dito. Aaksiyunan umano ang tungkol sa basura.

Hindi katulad nang isinagot niya noong dumalo sa APEC Summit 2015 dito sa Pilipinas kung saan tinanong si Trudeau ukol sa basura at wala siyang malinaw na sagot. Walang malinaw na commitment ukol dito. Basta ang sabi, meron na raw solusyon na dinidebelop sa problema pero hindi naman sinabi kung ano iyon. Para bang balewala sa kanya ang basura na nagbibigay ng pangamba sa maaaring idulot sa kalusugan. Ang hinihintay na sabihin ni Trudeau noon ay ipag-uutos niya ang agarang pagbabalik ng basura sa kanilang bansa. Pero hindi ganun ang nangyari. Kaya walang nakuhang pag-asa sa kanya ang mamamayang Pilipino noon. Ngayon ay medyo may liwanag na makaraang mag-usap sila ni Duterte.

Nararapat namang ibalik sa Canada ang mga basura sapagkat nakasaad sa Basel Convention na anumang hazardous wastes na dumating sa bansa ay dapat ibalik sa pinanggalingang bansa. May karapatang tanggihan ng Pilipinas ang basura na galing Canada. At alam ito ng Canada dahil isa sila sa mga pumirma sa international treaty noong 1992.

Dapat namang sisihin ang dating secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa panahon ni Pres. Noynoy Aquino sapagkat hindi sila nagreklamo sa Chronic Plastics sa Canada na nagpadala ng mga container ng basura. Hindi naman makita ang local na kompanya na consignee ng mga basura. Lumabag ang kompanya sa Republic Act No. 6969 o ang “Toxic Substances and Hazardous Wastes Control Act of 1990.”

Ngayong nagbigay ng commitment si Trudeau, maaaring maibalik na ang Canadian trash sa pinanggalingan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with