^

PSN Showbiz

Kris dadalo sa Asian TV!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dadalo si Kris Aquino sa Asian TV Awards na naka-schedule sa December 5 sa Resorts World sa Sentosa, Singapore. Nominated si Kris sa Best Entertainment Presenter/Host para sa morning show niya sa ABS-CBN na Kris TV. Sa Dec. 4, aalis ang TV host-actress.

Anyway, masipag mag-announce si Kris ng schedule ng mall show nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap para i-promote ang My Little Bossings, entry sa Metro Manila Film Festival o MMFF.

Pero wala pang balita si Kris kung kailan sasama si Vic Sotto sa mall tour.

Ang ABS-CBN ang nakabili ng TV rights ng My Little Bossings, pero mapapanood ang trailer ng movie sa GMA 7 dahil kasama sa P100 M worth ng ad spots na binili ng P&G ang ipalalabas sa Kapuso Network.

Samantala, tutuloy din si Kris sa pagbisita sa Tacloban at kundi muling mababago  ang schedule, sa Dec. 13 siya pupunta at ta­ta­waging Christman Outreach ang kanyang pagbisita. Hindi pa alam kung sasama sina Angel Locsin at Boy Abunda na kasama niya nang pumunta siya sa Samar.

Richard may lilipatan na

Isasabay sa birthday nina Richard at Raymond Gutierrez sa January 21, 2014 ang announcement kung saang TV station next mapapanood ang una. Si Annabelle Rama mismo ang nag-announce nito sa Twitter.

Saan nga kaya mapapanood si Richard, sama­han kaya nito si Raymond sa TV5? O baka sa ABS-CBN pumirma ng kontrata at ‘pag nangyari ito, mas madali na ang balik-tambalan nila ni Angel Locsin at KC Concepcion. Puwede rin kaya silang magsama ni JC de Vera sa project, papayag kaya si Annabelle?

Sa ngayon, ang shooting ng Overtime na produced ng GMA Films ang focus ni Richard. May mga nagdududa sa tambalan nila ni Lauren Young, pero tingnan natin dahil dumaan siya sa audition at kinakitaan sila ng chemistry ni Richard.

Christian pababa ang oras ng mga programa

Tama kaya ang narinig naming pagtatambalin ng GMA 7 sina Pauleen Luna at Christian Bautista sa Afternoon Prime na may working title na Ibalik Mo ang Kahapon. Ito dapat ang kapalit ng Pyra, kaya lang hindi agad nagawa kaya old movie muna ang ipinalit sa time slot ng Pyra at Fabolous Boys.

Kasama raw sa cast ng Ibalik Mo ang Kahapon si Kevin Santos at si Gil Tejada ang director. Ang sabi pa, sa December 9, ang first taping day ng bagong soap na sa January 2014 ang airing.

Sa title pa lang, drama na ang Ibalik Mo ang Ka­hapon, second soap ito ni Christian at pansin namin, pababa ang time slot ng soap niya sa Ch. 7. Nagsi­mula siya sa morning show na With a Smile at pang­hapon naman ang next soap. Siguro naman ang susunod niyang soap ay pang-primetime na!

Kasal ni Boots Anson Roa wala pang venue

Si Boots Anson-Roa mismo ang nag-announce na she’s engaged to lawyer Atty. Francisco “King” Rodrigo, Jr., anak ng dating senador na si Atty. Francisco Rodrigo. After six years mula nang mabiyuda kay Pete Roa, noong 2007 muling magpapakasal ang aktres na 68 years old.

Sabi nito: “After six years, God has given me a soulmate and future partner who I shall spend the rest of my life with.”

Sa June 14, 2014 ang kasal ng dalawa, kung saan ang ninang ay ang best friend ni Ms. Boots na si Marichu “Manay Ichu” Maceda. Wala pang ibang details kung saan gaganapin ang kasal at kung sino ang ibang wedding sponsors.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANGEL LOCSIN

BEST ENTERTAINMENT PRESENTER

BIMBY AQUINO YAP

BOOTS ANSON ROA

BOY ABUNDA

CHRISTIAN BAUTISTA

IBALIK MO

MY LITTLE BOSSINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with