^

PSN Palaro

Lee, Chan hindi pa makakalaro sa pagsisimula ng Commissioner’s Cup

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang dalawang linggo ng 2016 PBA Commissioner’s Cup ay magla­laro ang Rain or Shine na wala ang ilan nilang key pla­yers.

Kasalukuyan pang nagpapagaling si combo guard Paul Lee ng kanyang knee injury, habang sa Marso pa makakapaglaro si shooter Jeff Chan dahil sa kanyang elbow injury.

Inaasahan namang makakabalik sa kanilang mga porma sina 6-foot-8 center Raymond Almazan at guard Jericho Cruz at ang pagbabalik ni import Wayne Chism ang makakatulong para sa Elasto Painters.

“Chism is okay. He arrived early and he came in game shape,” sabi ni coach Yeng Guiao kay Chism na hinirang na PBA Best Import sa nakaraang Commissioner’s Cup na pinagharian ng Talk ‘N Text. “He didn’t gain weight. He’s really like his old self.”

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na maglalaro si Chism para sa Rain or Shine.

Magsisimula ang 2016 PBA Commissioner’s Cup bukas sa Smart Araneta Coliseum tampok ang paghaharap ng Tropang Texters at Blackwater Elite sa alas-4:15 ng hapon at ang pagtutuos ng Star Hotshots at Meralco Bolts sa alas-7 ng gabi.

Si Chan ang naging leading scorer ng Elasto Painters sa nakaraang Philippine Cup sa kanyang averages na 13.16 points a game bukod pa sa 3.2 rebounds at 1.8 assists.

Dahil naman sa knee injury ay hindi nakalaro si Lee sa elimination round at napanood lamang sa semifinals kung saan sila sinibak ng San Miguel.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with