^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tulungan ang mga walang masilungan

Pilipino Star Ngayon

LUBHANG kaawaawa ang kalagayan ng mga si­bilyang naipit sa labanan ng Moro National Li­beration Front (MNLF) at mga sundalo sa Zam­boanga City noong nakaraang taon na ikinamatay ng 240 katao. Tatlong linggo tumagal ang labanan hanggang sa tumakas ang MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari. Nakatakas si Misuari at hindi pa nadadakip.

Isang taon ang lumipas at hanggang ngayon, hindi pa nakababangon ang mga sibilyan sa idinulot na karahasan. Marami ang nananatili sa gymnasium sapagkat hindi pa naga­gawa ang mga nasira nilang bahay. Halos mapulbos ang siyudad sa dami ng mga bala na pinaulan doon. Tina­tayang 11,000 sibilyan ang nananatiling nakatira sa sports complex. Halu-halo sila roon. Masyadong mahirap ang kalagayan. Kapag gagamit ng kubeta, kailangang magdala ng sariling timba ng tubig. Ka­ilangang umigib sa malayong lugar. Nakaaawa ang mga bata na madalas dinadapuan ng sakit dahil marami silang kahalubilo. Madaling kumalat ang sakit.

Sama-sama sa isang tent ang magkakapamilya na kapag umuulan ay pumapasok ang tubig. Maputik ang kanilang dinaanan palabas ng sports complex. Sabi ng evacuees, hanggang kailan daw kaya sila mag­durusa sa tinitirahan nila. Parang nakalimutan na raw sila ng gobyerno sapagkat mabagal ang ginagawang tulong. Mayroon pang nagsabi na mas binibigyan ng atensiyon ang mga biktima ng “Yolanda” gayung sila ang dapat unahin sapagkat dumanas sila ng grabeng trauma nang lusubin ng MNLF. Sana raw ay makita ng pamahalaan ang kanilang pagdurusa na isang taon na nilang dinaranas.

Ang sitwasyong dinaranas ng mga taga-Zamboanga ay nagpapakita sa kahinaan ng gobyerno na matu­lungang maitayo ang mga nasirang bahay. Kailangan bang umabot ng isang taon ang kanilang paghihirap habang nakatira sa mga tent at pinagtagpi-tagping tabla at yero? Kung nakagawa ng mga bahay sa sina­lanta ni “Yolanda” dapat ganyan din ang gawin sa mga biktima ni Misuari. Bilisan naman ang pagkilos. Maawa naman sa mga taga-Zamboanga na hanggang ngayon ay walang masilungan.

vuukle comment

BILISAN

HALU

MISUARI

MORO NATIONAL LI

NUR MISUARI

SHY

YOLANDA

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with