^

PSN Opinyon

Seguridad o turismo?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT magpasuri ng katinuan sa utak itong mga tumututol sa paghihigpit ng pamahalaan sa pagbibigay ng visa sa mga Chinese nationals. Ang katwiran nila, malaking salapi ang mawawala sa revenue ng turismo kapag ginawa ito.

Ano ba ang mas importante, national security o revenue? Mag-isip naman kayo. Kitang-kita naman ang pananakop ng mga Chino sa ating mga teritoryong pangkaragatan tapos tututulan ninyo ang hakbang ng pamahalaan na sawatain ang maitim nilang balak!

Duda ko, alam naman ng mga ito na ang walang habas ng pagpasok ng mga Chino sa bansa, na ang iba ay naka­kakuha ng Philippine citizenship ay panganib sa pambansang seguridad. Kaso, malamang na kasabwat din ng China ang mga ito sa tangkang pasukin at sakupin ang ating bansa.

Magaling manggapang ang China. Pati nga ‘yung mayor ng Bamban, Tarlac ay nabisto sa Senado na malamang ay isang Chino na itinanim ng China sa Pilipinas upang unti-unting makontrol ang pulitika sa Pilipinas.

At ang patuloy na operasyon ng POGO sa bansa na awtorisado ng PAGCOR at nagiging epektibong paraan upang ang mga Tsekwa ay makapagsagawa ng kriminal na operasyon. Tuluyan nang ipagbawal ang mga iyan.

Abnormally weird na ang relasyon natin sa China. Kaya kung hindi kayang putulin ang ating diplomatic relations sa bansang ito, higpitan na lang pag-iisyu ng anumang visa sa mga ‘yan.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with