PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Casino-hotel, nabulabog ng usok

MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon ang usok na nakita sa isa sa mga palapag ng isang casino-hotel matapos palabasin ang mga empleyado at guest nito, kahapon  ng umaga sa Parañaque City.

Ayon sa pamunuan ng Okada Manila, na matatag­puan sa Parañaque City, pasado alas-10:00 ng umaga nang ma-detect na umuusok ang isa sa mga palapag nito.

Kung kaya’y  kaagad na sinunod nila  ang emergency response procedure. Dahilan  upang agad na palabasin ang mga kawani dito at mga guest, na nagdulot ng bahagyang  tensiyon.

Nabatid naman kay Para­ñaque City  fire marshal Supt. Renato Capuz, alas-10:55 ng umaga nang rumesponde ang isa sa kanilang fire truck sa naturang casino-hotel.

Pagkaraan ay balik na sa normal ang operasyon nito nang pabalikin ang mga pinalabas na mga kawani at mga guest ng naturang casino-hotel.

Sa inisyal na imbestigasyon, nanggaling aniya ang usok sa construction site, ngunit  inaalam pa ang sanhi nito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: