^

Metro

NCRPO, naghahanda na sa SONA ni Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
NCRPO, naghahanda na sa SONA ni Pangulong Marcos
Humarap sa ginanap na Talk to the Press sina NCRPO chief PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. at QCPD Director PBGen. Redrico Maranan kung saan ipinaliwanag ang ilang mga aktibidad ng PNP kabilang ang paghahanda sa SONA ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paglalatag ng security measures para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa Talk to the Press ni NCRPO Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., sinabi nito na  nakikipagpulong na sila sa mga organizer gayundin sa mga stakeholders para sa maayos na SONA 2024.

Sa ngayon aniya, wala pa silang namomonitor ng anumang security threat kaugnay sa SONA ng Pangulong Marcos.

Gayunman, tuloy-tuloy aniya ang pagbabantay ng NCRPO sa iba’t ibang threat group kasama na ang mga makakaliwang grupo na kadalasang nagkikilos protesta.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Nartatez na may detalyadong plano na ang NCRPO para sa darating na SONA.

Kasama rito ang pagdedeploy ng nasa higit 22,000 tauhan ng NCRPO para magbantay sa seguridad lalo na sa Batasan Pambansa.

Maging ang mga augmentation ng mga pulis ay kanila na ring kinokonsi­dera lalo na para sa mga raliyista.

vuukle comment

NCRPO

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with