^

Police Metro

Mahigit 500 pulis idedeploy sa Eid’l Fitr

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa mahigit 500 pulis ang nakatakdang ideploy sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang piyesta sa pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim sa Maynila sa Lunes.

Sinabi ni Supt. Erwin Margarejo, Spokesperson ng Manila Police District (MPD), ang mga pulis ay kanilang ipakakalat sa Quirino grandstand upang tiyakin na magi­ging mapayapa ang pagdiriwang ng okasyon.

Bukod dito ay ipaka­kalat rin ang Special Reaction Unit (SRU) sa lugar habang may itatalaga ring Advance Command Post at karagdagang traffic personnels para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko.

Ang Ramadan ay isang importanteng selebrasyon at pagtitipon ng mga Muslim bilang tanda ng pagtatapos ng isang buwang Ramadan na tradisyunal na inoob­serbahan ng mga Muslim.

Una nang nagdeklara ng public holiday si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa panahon ng “Pagwawakas ng Ramadan “ o Eid-al-Fitr na siya ring pagtatapos ng pag-aayuno ng mga Muslim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with