^

Pang Movies

Rhian, Kiko at Rafael gigisahin ni Igan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Miyerkules (July 27), ang mga bida ng bagong GMA series na Si­ngungaling Mong Puso na sina Rafael Rosell, Kiko Estrada, at Rhian Ramos ang makakakuwentuhan ni Igan sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC).

Sa kanilang pagbisita sa TWAC, sumalang ang tatlo sa kuwelang challenge na Sinungaling o Ang Galing? kung saan sinubok ang kanilang galing sa panlilinlang gamit ang kanilang talent sa pag-arte at pagkumbinsi. Dito na malalaman kung totoo nga bang nag-e-enjoy si Rafael sa traffic ng Metro Manila, at mabubuko na rin kung ano ang mga hindi aakalaing kinakain daw nina Rhian at Kiko.

At dahil puno rin ng “hugot” ang kanilang kuwentuhan, malalaman na kung alin ang pipiliin nila: isang relasyong nasa tama ngunit mapanlinlang, o isang relasyong hindi tama pero totoo? Abangan ang paliwanag nila sa nakakalitong tanong na ‘yan.

At hahalukayin din ni Igan ang social media accounts ng tatlong Kapuso stars at isasalang din sila sa Nasubukan Mo Na Ba?

Tutok na sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules (July 27), 10:15 p.m. sa GMA News TV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with