^

Pang Movies

48-hour na eat-all-you-can sa Pampanga titikman ni Drew!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ano ang gagawin mo kung meron kang 48 hours sa Pampanga? Ano pa kundi mag-food trip!

Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kanyang road trip sa kinikilalang Culinary Center of the Philippines!

Sa salitang ’’pampang’’ daw nanggaling ang pangalan ng probinsiya. Mula sa pampang daw kasi nakita ng mga mananakop na Kastila ang mga lokal na residente nang mapadpad sila rito. Sa paglipas ng panahon, itinayo rito ang Clark Air Base na naging sentro ng aircraft operations ng mga Amerikano. Dahil dito, at dahil na rin sa likas na pagkahilig ng mga Kapampangan sa pagkain, nagsulputan ang maraming kainan sa buong probinsiya.

Sa roadtrip ni Drew, una niyang stopover ang Copung Copung, isang family-owned restaurant na ang specialty dishes ay namana pa nila sa kanilang kanunu-nunuan. From traditional dishes tulad ng Kare-Kare, meron din silang exotic dishes tulad ng Kamaru or crickets at Betute o palaka!

Sama na sa iba’t ibang culinary joyride ni Drew sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 10:00 a.m., sa GMA News TV.

 

vuukle comment

AMERIKANO

ANO

BETUTE

BIYAHE

BIYERNES

CLARK AIR BASE

COPUNG COPUNG

CULINARY CENTER OF THE PHILIPPINES

DREW ARELLANO

SA BIYERNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with