^

PSN Palaro

Cignal, CafeFrance nagpasolido sa ika-2 puwesto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon ang Cignal-San Beda sa kanilang malamyang panimula para maitakas ang 85-71 pananaig laban sa Tanduay  sa 2017 PBA D-League Aspirant’s Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig kahapon.

Sinandigan ng Haw­keyes ang 23 puntos na pagtatapos ni Robert Bolick para ihatid ang koponan sa ikalimang sunod na panalo na naglagay sa kanila sa ikalawang  posisyon.

Mula sa 17-4 pagkakabaon sa first quarter, nagsimulang manalasa ang Hawkeyes sa bungad ng final canto nang magsanib puwersa sina Bolick at Pamboy Raymundo sa opensa para agawin ang trangko sa 54-48 bago dinala sa 66-55 bentahe, may 6:45 na lang ang oras sa laro.

Nakakuha si Bolick, nagtala ng tatlong rebounds at talong assists, ng supor­ta kay Raymundo na tumap­yas ng 10 puntos na nagpahirap sa Rhum Masters para malasap ang kanilang ika-3 kabiguan sa anim na laro.

Nauna rito, pinigil ng CafeFrance ang tangkang pagbangon ng Victoria Sports-MLQU nang itarak ang 95-84 panalo sa likod ng 27 puntos ni  Congolese center Rodrigue Ebondo.

Ang panalo ay naghatid din sa Bakers   sa ikalawang puwesto taglay ang 5-1 kartada na tulad ng Haw­keyes sa likod ng lider na Racal na may malinis na 5-0 baraha.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with