^

PSN Opinyon

‘Espesyal’ na suporta at ayuda

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Associated Press

HUMIHINGI ng konsiderasyon sa gobyerno ang mga magulang ng kids with special needs (KWSN).  

Espesyal na ayuda, suporta at mga komprehensibong programa para maitaas ang antas at kalidad ng pamumuhay at pag-unlad ng kakayahan ng kanilang mga anak.

Ilan sa kanilang mga ipinananawagan ang tax break sa mga pangangailangang medikal, mga eskwelahan­ at mga trained mentor na tututok sa mga KWSN at mga  karagdagan pang pasilidad.

Marami sa mga magulang ng mga batang may espesyal na pangangailangan mahihirap lang. Hindi sapat ang kanilang kinikita.

Nahaharap din ako sa parehong kalagayan. Ang pagkakaiba lang, mayroon akong pantustos at kakayahang sumuporta sa lahat ng pangangailangan ng aking anak.     

Matagal ko na itong panawagan at adbokasiyang gustong isulong. Isa ito sa mga isyung hindi nabibigyang-pansin ng pamahalaan.   

Gagamitin ko ang kolum kong ito at ang mga programa ko sa telebisyon at radyo para makatawag ng pansin sa mga kinauukulan sa pamahalaan.  

Tatayo ako bilang advocate sa mga pangangailangan at totoong kalagayan ng mga pobreng magulang na may mga anak na may espesyal na pangangailangan.   

Kung may programang Conditional Cash Transfer  ang gobyerno para sa mga mahihirap nating kababa­yan, may mga benepisyo at 20 per cent discount ang mga PWD, dapat magpasa rin ang Kongreso ng mga batas at probisyon para sa KWSN.  

Pondohan dapat ito ng pamahalaan.  

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

vuukle comment

KWSN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with