Pacquiao tinatakam si Mayweather para sa rematch
MANILA, Philippines – Tila tinatakam ni Manny Pacquiao ang retiradong si Floyd Mayweather Jr. na muli siyang labanan para sa kanilang rematch sa susunod na taon.
Sa kanyang Instagram photo ay ipinakita ni Pacquiao ang kanilang litrato ni Mayweather sa loob ng kanyang suot na sports coat.
Tinalo ni Mayweather (49-0-0, 26 KOs) si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.
Sinasabing kumita ang nasabing laban ng record na 4.4 million pay-per-view buys katumbas ng kinitang $425 milyon at record na $72 milyon sa live gate, ayon sa Forbes.
Tumanggap ang 40-anyos na si Mayweather ng $200 milyon, habang $120 milyon ang nakuha ng 37-anyos na si Pacquiao.
Lumakas ang usapin ukol sa rematch nina Pacquiao at Mayweather matapos personal na panoorin ng American world five-division titlist ang unanimous decision win ng Filipino world eight-division champion laban kay dating world welterweight king Jessie Vargas (27-1-0, 10 KOs) noong Nobyembre 6 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Nagretiro si Mayweather noong Setyembre ng 2015 matapos talunin si Andre Berto.
- Latest