^

Entertainment

‘EAT is it!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

BULAGA — saan nga ba ito nagsimula?

Isang bunghalit at bulalas na salita,

GULAT ang ibig sabihin para sa bata,

Panlaro sa sanggol may uha man o wala!

 

BULAGA ay “BOOO!” lamang sa wikang banyaga,

Tila ba amoy ng katawan na malala!

Waring pag Halloween lang yata ginagawa,

LAGA ay Pinoy na nagluto at naghanda!

 

Sa larong pitik-bulag nanggaling ‘di kaya?

At ‘yung IT para sa akin ay IKAW TAYA!

Op kors imbento ko lang yu’t ‘wag maniwala,

Ang totoo: EAT BULAGA ako may akda!

 

At kung tatanungin n’yo ako ngayon yata

Isang bagay na dakilang aking nagawa,

Bukod sa kasipagang walang patumangga,

Eh ‘yun nang pagpapangalan sa EAT BULAGA!

 

At kung hindi ganap ang pagpapakumbaba,

Ipagpaumanhin at higit kasi ang tuwa!

Sa layo na nang inabot ng aming dula,

Papalakpak ka hanggang palad ay mamaga!

 

Pagbigyan na ako’t muling isasariwa

Kung pa’no nabuo kay Tito na kusina!

Dun din pinagtibay na EAT BULAGA na nga!

Salamat din sa kapeng nakasalamuha!

 

Ang natatandaan ko basta na lang bigla

IT naging EAT! Dahil kaya nasa kusina?

IT talaga’t ISKUL BUKOL ay I.B. rin nga,

Hmmm… sino ang nagpabago sa akin kaya?

 

Damdam ko’y may gabay at lambong ng biyaya

Upang maisip ko titulong Eat Bulaga!

JESUS ESPIRITU kasama sa kusina…

At tao s’ya! Totoong may HIM… at himala!

 

Nasa sa inyo na ‘yan kung maniniwala,

Si Jess sa Astrobowl ay isang katiwala!

‘Yun tungkol ngalan n’ya sa malisya ko’y wala,

Nung tapos na lahat dun ko lang nahalata!

 

Kung himala man ‘yun o isa lang HINALA,

Buo sa puso kong MATINDI ang nagtakda!

Dahil sa pagsubok nakayanang mabata,

Sa hirap ng gubat hindi kami nawala!

 

Sa mahabang panahon sahod kami’y WALA!

Ubra na itong tawaging isang himala!

‘Di nga naramdamang kami’y nagtitiyaga,

Kay Tony Tuviera walang duda tiwala!

 

Humigit kumulang sa isang taon yata!

Nang biglang sumahod ng magandang balita —

SUSWELDO NA KAMI! Panahon na ay tama!

NANG PAYROLL SA TAXI NAIWAN AT NAWALA!

 

Anak ng put… your head on my shoulder talaga!

Dagdagan ng Ngak, Ngek, Ngik, Ngok, Nguk! at kulang pa!

Akalain n’yong FIRST INCOME pa’y napornada!

Before Income Tax… INCOME TAXI pa nauna!

 

Pero kita n’yo naman kahit walang kita;

No show color sila, no look kami kumbaga,

Tinuloy lang namin at tama naman pala!

Kung bumitaw kami eh di walang napala!

 

Halos apat na dekada na pagpapala!

Lahat sarap dumaan na sa ngala-ngala!

At eto na nga ngayon ang nakakatawa —

Sa masasarap na ‘yan… maraming bawal na!

 

Kaya ‘di napigilan nung Hulyo a-treinta,

Dahil uso at alam kong magiging kwela,

Nasabi kong kami’y ‘WAG TULARAN ng iba…

37 YEARS? BAKA HINDI N’YO MAKAYA!

 

Do you know that Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon, a.k.a. TVJ, hold the record for both the longest-running TV show in the Philippines (Eat, Bulaga!) and the shortest-running, TVJ on 5... Only one episode!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with