^

Bansa

Walang taas pasahe sa PUVs - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Walang taas pasahe sa PUVs - LTFRB
Photos show modern jeepneys and traditional jeepneys as they wait for passengers along Escoda Street in Manila on April 13, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang magaganap na pagtaas sa singil sa pasahe nationwide laluna sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagpapatupad sa Public Utility Vehicles (PUV) modernization program.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na walang basehan para maitaas ang pasahe sa mga pampasaherong sasak­yan lalupat wala namang nagsasampa ng fare hike petition para aksyunan ng LTFRB board.

Anya, idinaraan din sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa publiko ang anumang petisyon sa taas pasahe upang ma­ging katanggap-tanggap sa panig ng mga PUV operators at commuters.

Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB sa ­agam-agam ng mga commuters na tataas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan dahil sa modernisasyon ng mga PUVs, pagtaas ng inflation at produktong  petrolyo.

Binigyang diin ni Guadiz na oras na may magsampa ng fare hike petition ay agad nila itong pag-aaralang mabuti para sa kapakanan ng mamamayan.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with