PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bongbong ipinababasura ang counter-protest ni Leni

MANILA, Philippines — Naghain ng omnibus motion ang talunang vice presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Huwebes upang mabasura ang counter-protest ni Bise Presidente Leni Robredo kaugnay ng electoral protest.

Inihain ito ni Marcos matapos hindi makapagbayad si Robredo ng P15.6 milyona na hinihingi ng Korte Suprema para sa gagastusin sa pag-iimbestiga ng election paraphernalia.

Nitong Marso 21 ay hiningian ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sina Marcos at Robredo ng P66.2 milyon at P15.6 milyon, kung saan hinati ito sa dalawang bayaran.

BASAHIN: Bongbong nagbigay na ng P36M para sa poll protest

Nakapagbigay si Marcos nitong kamakalawa ng P36 milyon, habang humirit ang kampo ni Robredo na sa dating senador lahat ipasagot ang gastos. Dagdag ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal na hindi lamang P66.2 milyon ang kailangan bayaran ni Marcos ngunit P185 milyon dapat.

Nauna nang sinabi ni Macalintal na handa naman silang magbayad kapag tapos na ang recount ng mga balota dahil counter-protest ang inilaban nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"The payment that we are supposed to pay is for our counter-protest. So the counter-protest will only start after the protest and that is under Rule 65 of the Presidential Electoral Tribunal," pahayag ng abogado Romulo Macalintal.

Nabanggit naman ng abogado ni Marcos na sadyang inaantala ng kampo ni Robredo ang mabagal nang paggulong ng electoral protest.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: