PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘International Community huwag manghimasok’-Sen Pimentel III

Hinimok kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel III ang international community na iwasang manghimasok sa mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas hinggil sa pagbuhay muli ng parusang kamatayan. File photo

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni Senate President Aquilino Pimentel III ang international community na iwasang manghimasok sa mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas hinggil sa pagbuhay muli ng parusang kamatayan.

Iginiit ni Pimentel na okay lang daw sa kanilang mga mambabatas na magbigay ng advise ang international community at human rights groups hinggil sa reinstatement ng parusang kamatayan. Subalit ibang usapan na rin naman umano kung “magdikta at tatakutin” sila hinggil dito.

Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus na political vendetta ng administrasyon ang ginawang sibakan sa mga tumutol sa death penalty bill sa Kamara.

Si de Jesus ay isa sa 11 na committee chairmen na inalis sa pwesto sa Kamara matapos bumoto ng No sa House Bill 4727 at chairman ng House Committee on Poverty Alleviation.

Ayon sa kongresista, ang ginawa ng liderato ng Kamara ay malinaw na political vendetta na nagbibigay ng masamang precedent sa takbo ng lehislatura.

 Lumalabas umano na umiiral talaga ang Sham Democracy sa Mababang Kapulungan .

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Subalit hindi na umano ito ikinagulat pa ni De Jesus dahil sa simula pa lamang ay alam na ng Gabriela na makakatikim sila ng ganti sa tuwing ipaglalaban ang karapatan ng publiko sa ilalim ng bulok na sistema ng gobyerno.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: