^

Bansa

‘Balimbingan’ na

Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dagsa ngayon ang gustong lumipat-bakod sa PDP-Laban matapos manalo si presumptive President Rodrigo Duterte sa nakaraang May 9 elections. 

Sinabi ni PDP-Laban President Aquilino ‘Koko’ Pimentel na nagpahayag ng interes na lumipat sa kanilang partido ang mga pulitiko kasunod ng pa­ngunguna ni Duterte sa halalang pampanguluhan. 

“Wala pa kaming tinatanggap na aplikasyon,” paglilinaw ni Pimentel. “Pagpupulungan pa ng liderato ng PDP-Laban kung anu-ano ang gagawin sa biglang pagdami ng aplikasyon para maging miyembro ng partido.”

Nang tanungin kung maraming miyembro ng Liberal Party ang gustong lumipat sa PDP-Laban, sinagot ni Pimentel, “Sa totoo lamang, hindi lang mga miyembro ng LP ang nag-aaplay. Maraming aplikante mula sa iba’t-ibang partido.”

Ayon pa kay Pimentel,  hindi kailangan ng PDP-Laban na maging mayorya sa Kongreso hangga’t merong sapat na suporta sa legislative agenda ng administrasyong Duterte.

Idiniin din ni Pimentel na ang mga gustong sumapi sa PDP-Laban ay dapat sumusuporta sa fe­deralism, sa all-out-search for peace sa Communist Party of the Philippines, Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front at sa all-out war laban sa krimen, droga at katiwalian. 

Sinabi pa niya na siya at ang natalong runningmate ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano ay hindi naghahangad na maging presidente ng Senado.

“Mananatili kami ni Sen. Cayetano bilang senador at bonus na lang ang posisyon ng presidente ng Senado. Ang mahalaga ay makabuo kami ng mayorya sa Senado na makakatulong sa administrasyong Duterte batay sa programa ng pamahalaan. Nais na­ming bumuo ng koalisyon para sa pagbabago,” dagdag niya.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with