PAGASA nagbabala sa heatwave
MANILA, Philippines - Binalaan ng pamunuan ng PAGASA ang publiko sa posibleng pananalasa ng heatwave partikular sa Metro Manila.
Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Pagasa, ang normal maximum temperature ng Metro Manila ngayong Marso ay 23.4 degrees celcius at kapag tumaas ito ng 3 degrees sa loob ng limang sunod na araw, ito anya ay matatawag ng heatwave.
Sinabi ni Aurelio na dapat na mag-ingat ang publiko dahil sa init ng panahon ngayon habang nararanasan ng bansa ang El Nino phenomenon.
Ayon dito, mas mainit na panahon pa ang mararanasan laluna sa Metro Manila bago matapos ang buwan dahil kumakawala na ngayon ang amihan at papalit na ang hanging habagat na may dalang mainit na hangin.
Noong March 6 anya naranasan ang pinaka mainit na panahon sa Metro Manila ngayong Marso na umabot sa 34.7 degrees celcius.
Padami rin ng padami ang kaso ng heat stroke.
Paalala ni Aurelio, kailangang magdala lagi ng tubig na inumin kapag lalabas ng bahay at huwag magbababad sa ilalim ng init ng araw mula alas-10 ng umaga hangang alas-3 ng hapon para makaiwas sa epekto ng mainit na panahon.
- Latest















