^

Bansa

2 testigo sa Zambo siege bantay sarado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) ang seguridad ng dalawang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na testigo para sa kaso ng kanilang mga dating kasamahan na umatake sa Zamboanga City noong Setyembre.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, sinadya nilang ibukod at ilayo ang mga ito sa iba pang MNLF rebels na dinala na sa Bicutan, Taguig City kamakalawa ng madaling araw dahil sa isyung panseguridad.

Nangangamba si Arellano na matuklasan ng ibang MNLF na ito ang mga tetestigo sa kaso at manganib ang kanilang mga buhay.

Sinasabing ang dalawa ang least guilty sa mga nadakip na sangkot sa Zamboanga siege at nagbigay ng mga vital information na magagamit sa paglilitis ng kaso.

Inaasahang mabilis na tatakbo ang asunto laban sa mahigit 200 akusado sa pag-atake sa lungsod ng Zamboanga pagpasok ng taong 2014, lalo na ngayong nasa Metro Manila na ang karamihan sa mga dawit sa karahasan.

vuukle comment

ARELLANO

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

METRO MANILA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PROSECUTOR GENERAL CLARO ARELLANO

TAGUIG CITY

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with