^

PSN Showbiz

The Loyalty Game, lilipat sa mas maagang oras

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
The Loyalty Game, lilipat sa mas maagang oras
Janine Gutierrez at Jericho Rosales

Mas maaga nang mapapanood ang The Loyalty Game: Level Up ng ABS-CBN ng 8:45 p.m. simula Nobyembre 30. Sakto sa pag-init ng kuwento, mukhang malapit nang mabun­yag ang mga sikretong itinatago ni Ben (Jericho Rosales) sa asawa niyang si Ana (Janine Gutierrez).

Lalong naghihinala si Ana sa mga kilos ni Ben. Sa paghahanap niya ng sagot, baka matuklasan na rin niya ang sikreto tungkol sa kapatid nitong si Regina (Charlie Dizon). Habang gumagawa ng paraan si Ben para pigilan si Ana, hindi rin siya tinatantanan ni Beth (Sofia Andres).

Samantala, patuloy na hinahanap ng mga loyalty tester si Angel (Kira Balinger) matapos itong biglang mawala. Habang papalapit si Ana sa katotohanan, hanggang saan ang kayang gawin ni Ben para hindi mabunyag ang mga sikreto niya?

Abangan ang The Loyalty Game: Level Up tuwing gabi, 8:45 p.m. simula Nobyembre 30, sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube. Pwede ring mapanood ang mga episode nang pitong araw na mas maaga sa iWant.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with