^

Metro

Duty ng mga MMDA pahahabain simula Disyembre 1

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas mahabang duty hours ang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mga tauhan sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan ngayong holiday season.

Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, na hanggang alas-12:00 ng hatinggabi simula Disyembre 1 ang duty ng mga ito.

Sinabini Artes na bahagi ito ng mga hakbang upang matiyak ang maayos na pamamahala ng trapiko sa Metro Manila. Ipatutupad din ang full deployment mula Dis. 1 at mahigpit na ipatutupad ang “no absent policy”.

Karagdagang hakbang ito bukod sa nauna nang pakikipag-ugnayan sa mga mall owners at operators na sinimulan noong Nobyembre 16 ang mall operation mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi, na magtatagal hanggang Dis. 25.

Maging ang delivery operations sa mga mall  ay pinalimitahan ang oras mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00  ng umaga.Nilimitahan din na tuwing weekend lamang sila magsagawa ng mall-wide sale.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with