^

True Confessions

Suklam (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kumakain ng hapunan si Brent. Nanonood ng balita sa TV ang kanyang tatay. Mula nang maging bago ang kanilang TV, enjoy na enjoy ang tatay ni Brent sa panonood. Bukod sa balita, paborito ring panoorin ng tatay ni Brent ang mga pelikula ni FPJ. Inaabot ng hanggang alas diyes ng gabi ang panonood ng pelikula ng kanyang tatay. Yun lamang ang tanging libangan ng kanyang tatay.

“May magkalaguyo na na­mang nahuli ng mister o. Nasundan sa motel,’’ sabi ng kanyang tatay habang nanonood ng balita. Lumingon si Brent. Nakita ni Brent sa screen ng TV ang isang lalaki at babae na nahuli sa motel. May kasamang pulis ang mister na nakahuli.

“Puwede palang magsama ng pulis kung huhulihin sa akto ang mga taksil,’’ sabi pa ng tatay niya habang hindi kumukurap sa panonood.

“Napakarami na ngayong na­huhuling nagta­taksil. Di ba kailan lang may nahuli rin sa motel?’’

“Oo ‘Tay.’’

“Bakit kaya marami nga­yong nagtataksil?’’

“Maski naman noon pa, ‘Tay marami nang nangyayring kataksilan. Kasuklam-suklam!’’

Hindi nagsalita ang kanyang tatay. Nagpatuloy ito sa panonoood ng balita.

“Maski sa aming opisina, may nagtataksil! Dun pa nagpaparaos!’’

Napatingin kay Brent ang tatay niya.

“Kaopisina mo?’’

Tumango si Brent.

“Paano mo nalaman?’’

“Nakita ko mismo Tatay—maraming beses na.’’

“Paano mo nakita?’’

Iki­nuwento ni Brent.

Patda ang tatay niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with