^

True Confessions

Suklam (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Sumunod na Sabado ay nasa opisina uli ang superbisor na si Vivian. Alam na ni Brent kung bakit—may gagawin na naman ito kasama si Oscar. At tiyak na stockroom uli idaraos ang pagniniig ng dalawa. Naisip ni Brent na matagal nant ginagawa ng dalawa ang pagniniig sa stockroom dahil matagal na niyang napapansin na tuwing Sabado ay nasa opisina si Vivian kahit hindi naman nag-oobertaym. Ngayon lang niya natiyempuhan ang dalawa. Hindi naman kasi regular ang pagpunta niya sa stokckroom. Siguro baka isang taon nang nangyayari ang “milagro” sa stockroom.

Ang tingin na ngayon ni Brent kay Vivian ay maruming babae. Kung noon ay inaakusahan niyang itong malandi o kiri dahil kung tingnan siya ay parang nang-aakit, ngayon ay kumpirmado nang babaing kaladkarin at taksil. Nakadama ng suklam si Brent kay Vivian.

Bakit kaya nagawa ni Vivian na pagtaksilan ang asawa?

Kawawa naman ang asawa ni Vivian. Walang kamalay-malay na iniiputan siya sa  sa ulo ni Vivian. Ang buong akala ay nag-oobertaym si Vivian, yun pala ay inoobertaym ng ibang lalaki.

At naisip din ni Brent na mahilig si Vivian sa binata. Ang alam niya ay binata si Oscar. Ang gustong tikman ni Vivian ay walang sabit. Mas gusto ang hindi gastado.

Pero naisip ni Brent na baka kaya pumatol si Oscar kay Vivian ay dahil para sa promosyon. Siguro nga.

Maya-maya napansin ni Brent na nagtungo si Oscat sa stockroo. Makaraan ang isang miniuto, sumunod si Vivian.

Magsisimula na ang labanan sa stockroom.

Inimadyin ni Brent ang nangyayari.

Makalipas ang isang oras, nakita niya ang paglabas ni Vivian. Kasunod si Oscar.

Tapos na ang giyera sa stockroom.

Isumbong kaya niya ang dalawa sa management!

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with