^

True Confessions

Dioscora (266)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kakaiba ang init ni Mam —damang-dama iyon ni JC. Nagbabaga ang labi ni Mam na naghahatid ng libong boltahe ng kuryente sa katawan ni JC. Kung sa una nilang pagsasalo ni Mam ay matindi ang hatid ng kuryente, mas matindi ngayon.

Hindi naman maipaliwanag ni JC kung bakit may lumulukob na naman sa kanyang ibang pagkatao at nag-uutos na paligayahin si Mam. Hindi niya kayang suwayin ang utos. Si Nico­demus kaya na asawa ni Mam ang lumulukob sa kanya? Sinasapian siya para maipagkaloob ang ninanais na ligaya ni Mam?

Ginantihan ni JC ang mainit na halik ni Mam. Ipinalasap niya rito ang halik na may halong pagmamahal. Matagal na naglapat ang kanilang mga labi at naghabol sila ng hininga pagkatapos.

Hanggang sinimulan nang alisin ni JC ang manipis na pantulog ni Mam. Parang may nag-uutos sa kanya na gawin niya. At pagkatapos ay siya naman ang nag-alis ng kanyang damit. Hanggang sa pareho na silang walang saplot.

Ang kasunod ay ang lalo pang nagbabagang pagsasalo nila ni Mam. Mas mainit. Mas matagal at hindi nagmamadali.

Hanggang sa matapos ang kanilang pagmamahalan. Nakalarawan sa mukha ni Mam ang hindi maipaliwanag na kaligayahan.

Hanggang pareho ma­katulog na may mga ngiti sa labi.

Kinabukasan, naka­yakap si Mam kay JC.

“Mahal na mahal kita JC tulad ng pagmamahal ko kay Nico.’’

“Makakaya mo ba akong hindi makita?’’

Hindi agad nakasagot si Mam.

“Pupuntahan kita rito kahit anong mangyari.’’

“Natatakot ako JC.’’

“Hindi ako natatakot.’’

“Baka may mangyari. Baka madamay ka.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

JC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with