^

True Confessions

Alupihan (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Panty na lang ang itinira ni Hani. Ang kanyang t-shirt at jeans ay basta na lang niyang ipinatong sa damuhan.

Nakamulagat naman si Cris nang makita ang kabuuan ni Hani. Maski nakita na niya ang kahubaran nito noon sa banyo, iba ang dating­ ngayon. Parang na­ging si Eba si Hani na nasa halamanan. Naka-panty nga lang si Hani pero ang tingin ni Cris dito ay ang unang babae sa paraiso.

“Nandiyan na ako Kuya,’’ sabi ni Hani habang lumu­l­usong mula sa pampang.

“Mag-ingat ka Hani at baka ka madulas.’’

“Huwag kang tumingin sa akin, Kuya.’’

“Bakit?’’

“Nakakahiya!’’ Sabay takip ng braso sa dalawang “papaya”.

“Ngayon ka pa mahihiya e nakita ko na ‘yan nun pa.’’

“Basta huwag kang tumi­ngin Kuya.’’

“Sige pipikit ako. Sabihin mo kung kailan ako magmumulat.’’

“Sige Kuya.’’

Pumikit si Cris.

Mabilis namang sumisid si Hani patungo sa kinaroroonan ni Cris. Mayroon siyang gagawin kay Cris.

Tiyak na magugulat ito.

“Ano Hani magmumulat na ako?’’ tanong ni Cris.

Walang sagot. Hindi ma­kakasagot si Hani sapagkat nasa ilalim ito ng tubig.

“Ano Hani, magmumulat na ba ako?’’

Nang wala pa ring sagot ay dahan-dahan na siyang nag­mulat.

Kasabay sa pagmulat niya, ginawa naman ni Hani sa ilalim ng tubig ang balak kay Cris.

Dinakma niya ang “kuwan” ni Cris!

Sapol na sapol!

Biglang naglulundag si Cris. Gulat na gulat siya. Pakiramdam niya’y may mala­king sawa na sumakmal sa kanyang “kuwan”.

Lumutang na si Hani at nakita niya ang gulat na gulat pa ring si Cris.

Hindi napigilan ni Hani ang pagtawa. Tawa siya nang tawa.

Nang bigla siyang yakapin ni Cris. Nagsanib ang hubad nilang katawan. Hinalikan niya ito sa labi. Mariin na mariin ang halik ni Cris. Sabik na sabik siya kay Hani. Ito ang unang pagka­kataon na naghalikan sila habang nasa gitna ng sapa. Una niyang hinalikan si Hani noong nasa sopa sila sa bahay sa Maynila.

Ngayon ay damang-dama ni Cris ang sarap ng labi ni Hani. Malambot na malambot ang mga labi.

Gumapang ang kamay ni Cris sa hubad na dibdib ni Hani. Nadama niya ang isang “papaya”.

At ang isa pang “papaya’’.

Kasunod na pinuntirya ay ang matagal na niyang hina­hanap. Nakita agad niya.

“Kuya, baka may maka­kita,” bulong ni Hani.

“Wala Hani.’’

“Bahala ka.’’

Itinuloy ni Cris ang balak.

Samantala, may alupihan na aali-aligid sa hinubad na damit ni Hani. Parang na­aamoy na iyon ang damit ni Hani.

Akmang papasok sa loob ng jeans ang alupihan pero sa iglap, sinakmal ito ng bayawak. Nilulon nang buo ang alupihan.

(Bukas, abangan ang isa pang kapana-panabik na nobela­ ni Ronnie M. Halos. huwag bibitiw!)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with