^

True Confessions

Alupihan (48)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LUMALAKAS ang kutob ni Cris na pinlano yata ni Diana ang pangyayari. Gusto siyang subukan? Gustong testingin kung hanggang saan ang pagtitimpi. Hula niya, wala naman itong nakitang alupihan sa kutson. “Drowing’’ lang ang alupihan.

Mabuti na lang at dumating si Gretchen at nakita sila rito.

Pero maski kay Gretchen ay mayroon ding duda si Cris. May hinala si Cris na kaya maaga rin si Gretchen ngayon ay dahil mayroong ding “balak’’ para sa kanya.

Tinapos ni Cris ang pag­lalagay ng kutson sa kama ni Diana. Saka nagpaalam na siya sa dalawang babae.

“Sige maiwan ko na kayong dalawa. May ga­ga­win pa ako sa opis ko.’’

“Ay bakit aalis ka na Kuya? Mayroon pa akong sasabihin,” sabi ni Diana.

“Oo nga naman Kuya. Kung kailan ako narito e saka ka naman aalis.’’

“May gagawin pa ako mga girls. Kayo na lang da­lawa ang magkuwentuhan.’’

“Ay nakakaasar si Kuya. Wala ka namang gagawin. Dito ka muna, tayong tatlo dito muna. Sige na.’’

“Oo nga naman Kuya. Kuwentuhan tayo.

“Puro kayo birong dalawa­,’’ sabi niya at humakbang pa­labas.

“Kuya!’’ tawag ni Diana.

Pero lumabas na siya.

Narinig niyang isinara ang pinto.

Nagtungo si Cris sa kanyang opisina. Naupo sa sopa at nagmuni-muni.

Bakit naging gustuhin siya ng mga babae kung kailan nagkakaedad na siya. Para bang sinusubukan ang kanyang katatagan.

Kanina, malakas ang pakiramdam niya na mayroon nang unang hakbang na gagawin si Diana.

Planado talaga.

Bakit kaya gusto siya ni Diana? At ni Gretchen?

O baka naman sobra lang ang tiwala niya sa sarili? Baka naman nagka­kamali siya sa mga ina­akala.

Napatungo si Cris. Nag-isip nang malalim.

Mahirap din pala na mga tsiks ang boarders.

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with