^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(105)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG pinagmamasdan nina Mommy Donna  at Ruth ang profile picture ni Keiko Nahashiwa ay hindi nila mapigilang humanga sa ganda nito. Titig na titig si Mommy sa anak.

FB account ni Mommy Donna ang ginamit ni Ruth sa pakikipag-friend kay Keiko.

At hindi inaasahan ni Ruth na ganun kabilis ang pag-accept ni Keiko sa ipi­nadalang friend request.

“Eto na siya mommy! Puwede ka nang mag-message kay Keiko! Halika na dali!’’

Tumakbo si Mommy sa salas at iniwan ang ginagawa sa kusina. Iyon ang hinihintay niyang pagkaka-taon ang maka-chat si Keiko.

“Tulungan mo ako Ruth. Baka hindi ko maintindihan ang English ni Keiko. Alam mo namang bopol ako sa English.’’

“Akong bahala. Ako ang sasagot kay Keiko.’’

“Kunwari ako ang ka-chat niya.’’

Sinimulan ni Ruth ang pakikipag-chat kay Keiko. Nasa tabi niya si Mommy Donna at excited sa mga malalaman sa anak. Sa message na ginawa ni Ruth, nagpakilala muna si Mommy dito. Sinabi ang background. Lahat nang may kinalaman at mga nangyari noon. Pati na ang pag-uwi sa Pilipinas noong baby pa si Keiko. Wala nang inilihim pa sa unang message. Mabuti nang nalalaman ni Keiko ang lahat tungkol sa ina.

Sunud-sunod ang tambol ng puso ni Mommy habang naghihintay sa sagot ni Keiko.

Habang pumipitik-pitik ang cursor sa chat box ay ganundin ang pagtibok ng puso ni Mommy Donna.

Ano kaya ang isasagot ni Keiko? Magulat kaya ito sa big­la niyang pagme-message?

Maya-maya, sumagot na si Keiko.

Hindi inaasahan ni Ruth at Mommy Donna ang sagot ni Keiko.

Ayon sa message, matagal na rin palang hinahanap ni Keiko ang ina. Hindi raw niya ma-search sa Facebook. Marami nang attempt pero walang pangalan ng ina sa FB. Sabi pa ni Keiko, bago raw namatay ang kanyang father na si Toshi, ipinagtapat ang mga nangyari. Malaki raw ang kasalanan ng father niya at humihingi raw ito ng patawad sa kanya (Donna). Pati raw ang kanyang grandparents ay malaki rin ang kasalanan sapagkat kung hindi dahil sa panghihimasok ay hindi sila magkakahiwalay na mag-ina.

Habang binabasa nina Mommy Donna at Ruth ang message ni Keiko ay tumutulo ang luha ng dalawa. Alam na pala ni Keiko ang mga nangyari at noon pa ay gusto na nitong malaman ang address ng ina sa Maynila. Pero wala itong magawang paraan kung paano malalaman. Hanggang isang kaibigang Pinoy ng kanyang ama ang nagboluntaryong tumulong para i-locate ang ina sa Maynila. Pero hindi ganun kabilis maghanap kaya hindi pa rin niya makita ang ina.

Sinabi ni Keiko na nasa Canada siya dahil exchange student siya. Nagma-master siya sa  Language. Kailangan daw ay maging proficient siya sa English dahil ito ang in-demand sa Japan. Bukod sa English, magpapakadalubhasa siya sa Mandarin Chinese at French.

At ang ikinatuwa ni Ruth at Mommy Donna sa sinabi ni Keiko, marunong din daw siya ng Filipino language. Pinag-aaralan daw niya ito.

Napaluha pa si Mommy Donna. (Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with