^

True Confessions

Sa PIling ng Kalapati(104)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BINUKSAN ni Ruth ang FB account ni Keiko Nahashiwa. At habang ginagawa niya iyon, pakiramdam niya, hindi hu­mi­hinga si Mommy Donna­. Hindi nagsasalita ni ga­putok man.

“Eto siya Mommy!’’

Tiningnan ni Mommy Donna ang picture ni Keiko Nahashiwa. Singkit na mga mata, matangos na ilong, magandang labi…

“Siya nga ang anak ko Ruth. Siya nga!’’

“Nang una ko ngang makita ang picture niya, malakas na ang kutob ko siya ang hinahanap mo.’’

“Ano ang gagawin ko, Ruth? Paano ko siya makokontak?’’

“Ano ba ang sabi ng lalaking tumawag sa’yo? Ano raw ang kalagayan ni Keiko?’’

‘‘Ipinaalam na patay na si Toshi at nasa Canada raw si Keiko. Yun lang ang sinabi.’’

“Walang ibang detalye kay Keiko?’’

“Wala na.’’

“Kung ganun, ikaw talaga ang mag-eeffort na hanapin siya.’’

“Paano Ruth?’’

“Makikipagkaibigan. Friend request.’’

“Sige na gawin na natin.’’

“Ako ang bahala, Mommy. Relaks ka lang.’’

“Gusto ko nang makausap ang anak ko.’’

“Darating tayo diyan. Mamaya-maya lang may communication na kayo.’’

“Paano kung ayaw akong sa­gutin.’’

“Please, huwag kang mag-isip ng negative. Ang nag-iisip ng ne­gative, negative rin ang outcome.’’

Napangiti si Mommy Donna.

Sinimulan ni Ruth ang pakikipag-friend kay Keiko Nahashiwa.

Baka mamaya lang may resulta na.

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with