^

True Confessions

Kastilaloy (182)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PATULOY na sinipa ni Garet si Geof nang hindi nito sabihin ang kinaroroonan ng kanyang Mama Julia.

“Nasaan ang mama ko? Nasaan siya?’’

“H-Hindi ko a-alam!’’

“Napakawalanghiya mo! Pagkatapos mong ubusin ang kayamanan ng mama ko, iniwan mo siya! At ngayon ay hindi namin makita.’’

“W-wala akong alam sa sinasabi mo.’’

“Hayup ka! Naremata na ang bahay namin dahil sa pagsusugal mo! Pati iba pang ari-arian ni Mama nabenta. Ikaw lang ang nakinabang at pagkatapos ay parang damit na basta mo iniwan. Napakasama mo! Wala kang kasingsama.’’

“Hindi ako may kasalanan. Nagsugal din ang mama mo at naging alcoholic pa. Siya ang sisihin mo.’’

“Bahala na ang mga pulis sa’yo. Sila na ang mag-iimbestiga sa kaso mo. Natitiyak ko, mabubulok ka sa bilangguan.’’

“Patawarin mo ako Garet. Patawarin mo na ako. Maawa ka sa akin!’’

“Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa mama ko. Dahil sa’yo kaya kami nagkahiwalay.’’

Biglang sumabat si Gina.

“Ate Garet tama lang na hindi mo patawarin ang hayup na ‘yan. Marami po siyang kasalanan. Niloko niya ako. Pati itong kuwintas na binigay niya sa akin ay ninakaw sa mama mo. Isasauli ko na ito sa’yo Ate.’’

“Salamat Gina. Magbabayad na rin ang taong yan. Sa kulungan ang bagsak niya.”

“Dapat lang po Ate. Wala pong kapatawaran ang ginawa niya sa iyong mama.”

“Mabuti at naunahan mong paluin ang hayup na ito. Ikaw ba ang nagtali sa kanya?’’

“Opo. Sinabi ko kay Ate Carmina na mabuting nakatali ang hayup para hindi na makatakas.’’

Maya-maya pa ay may narinig silang wangwang sa labas. Dumating na ang mga pulis!

Muling nagsisigaw si Geof nang malaman na dumating na ang mga pulis.

“Maawa kayo! Maawa kayo!”

Pero wala nang nakikinig sa kanya.

Hanggang sa pumasok ang mga pulis at nag-imbestiga. Si Carmina ang nagpaliwanag. Pinasok sila sa bahay ni Geof para magnakaw. Nahuli nila sa akto at pinagpapalo ng kanyang maid na si Gina. Ipinakita ni Carmina ang mga alahas at pera na nanana­kawin sana.

Matapos iyon ay dinala na si Geof ng mga pulis. Sumama si Carmina para magsampa ng kaso.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE CARMINA

ATE GARET

CARMINA

GARET

GEOF

GINA

HINDI

MAAWA

MAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with