^

True Confessions

Kastilaloy (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PAANO mo nalaman ang mga nangyari kay Papa at Mama, Tita?” tanong ni Garet kay Carmina. “Paano naagaw sa’yo si Papa?’’

“Ikinuwento mismo sa akin ni Ave – ng Papa mo. Ayaw ko na sanang marinig dahil masasaktan lamang ako. Sabi ko sa kanya, para ano pa at ikukuwento niya. Pero kailangan ko raw marinig ang lahat. Hindi naman daw niya kasalanan ang lahat, malaki rin ang kasalanan ni Julia.

“Pagkukuwento ng Papa mo, nakiusap daw si Julia sa kanya na samahan siya sa pagkuha ng mga papeles at dokumento sa isang ahensiya ng gobyerno na nasa Makati. Kabisado kasi ni Ave ang mga papeles dahil Law student siya noon. Pumayag naman daw siya dahil kaibigan naman niya si Julia. Matagal na ngang kilala dahil magkaklase sa college. At maski nang maka-graduate ay nanatili pa rin ang pagkakaibigan. Alam nga rin ng mama mo na magnobyo kami ng Papa mo at mayroon na kaming nakahandang plano para sa hinaharap. Alam niya na mahal namin ang isa’t isa.

“Pagkatapos nilang makuha ang mga dokumen­to ay humiling pa si Julia na samahan siya sa kanilang lumang bahay sa Legarda. Mayroon pang kukuning mahalagang bagay doon. Pinauupahan noon ang lumang apartment  sa Legarda pero ang isang pinto ay nanatiling bakante. La-ging nililinis. Kumpleto iyon sa gamit. Madalas ay doon natutulog sina Julia at kanyang mga magulang – si Tiyo Fernando kapag nagsawa sa kanilang malaking bahay sa Makati.

“Dahil mabait naman si Ave at wala namang masa­ma sa hiling ni Julia, sinamahan niya sa bahay sa Legarda. Sandali lang daw sila roon. Kukunin lang ang isang mahalagang bagay.

“Pagdating sa lumang bahay, nagulat si Ave dahil maraming nakahandang inumin --- mga alak si Julia. May pagkain din. Tinanong ni Ave kung bakit may ganoon karaming pagkain, sabi ni Julia, sorpresa raw iyon. Gusto raw niyang ma­kasalo si Ave sa masarap na hapunan. Hindi na nakatanggi si Ave.

“Hanggang nagsalin  ng alak si Julia. Uminom sila. Noon lang daw naka­inom nang ganoon karami si Ave. Hindi naman siya sanay uminom ng alak. Nalasing agad siya.

“Hanggang sa makita raw niya na unti-unting naghuhubad si Julia sa harap niya. Natulala siya. Parang lalo nang umepekto ang alak sa kanya. Ayaw niyang tingnan ang kabuuan ni Julia pero mas malakas ang hatak ng espiritu ng alak at pinagmasdan ang ginagawa ni Julia. Hanggang sa hubo’t hubad na si Julia.

“Lumapit daw sa kanya si Julia at kumalong.Hinalikan siya sa labi. Nagbabaga raw ang labi ni Julia….’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

AVE

AYAW

HANGGANG

JULIA

LEGARDA

MAKATI

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with