^

True Confessions

Kastilaloy (7)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT ba gustung-gusto mong halughugin o ha­lungkatin ang buhay ni Tiyo Dionisio o ni Kastila­loy, Margarita? Kung ako ngang pamangkin niya ay walang interes sa buhay niya e ikaw pang apo sa pamangkin?’’ sabi ni Mama Julia kay Garet.

“Mama, nasasabi mo lang ‘yan kasi, nabosohan ka ni Kastilaloy noon. Siyempre nagagalit ka sa kanya. Naiintriga kasi ako Mama kaya gusto kong malaman ang iba pang mahahalagang  kuwento ukol kay Kastilaloy.’’

“Hindi talaga kita ma­intindihan, Margarita. Kung siguro buhay ang papa mo, baka galit din iyon sa ginagawa mong pag-halungkat sa buhay ni Kastilaloy.’’

“Nakita ba ni Papa si Kastilaloy, Mama?’’

“Nanliligaw pa sa akin noon ang Papa mo. Nakita niya si Kastilaloy nang minsang ihatid ako sa aming lumang bahay sa Legarda sa may kanto ng Bustillos. Nang makita ng papa mo si Kastilaloy ay parang natakot siya.’’

“Bakit?”

“Kasi’y ang sama raw ng tingin sa kanya. Para raw ang talim ng tingin. Sabi ko naman, ganun talagang tumingin ang mga lahing Kastila. Mga matapobre kung tumingin.

“Sabi ng papa mo, baka raw ang tingin sa kanya ay isang Indio. Sabi ko naman baka nga. Talaga raw matalim ang tingin sa kanya ni Tiyo Dionisio o Kastilaloy.’’

“Pero nalaman ni Papa na binobosohan ka ni Kastilaloy?”

“Oo. Sinabi ko. Kaya nga ang kutob niya, baka raw nagseselos si Tiyo Dionisio sa kanya. Baka raw ayaw na may dumadalaw sa akin. Hindi raw kaya sira ang ulo ng aking tiyuhin.’’

“E di natuwa si Papa nang biglang umalis si Kastilaloy?”

“Ano pa? Nawala raw ang asungot.’’

“Marami ka pa palang nakatagong kuwento ukol kay Kastilaloy, Mama. IIabas mo na para marami akong nalalaman ukol kay Kastilaloy.’’

“Hay naku, hindi ko alam kung susulat ka ng libro ukol kay Kastilaloy kaya ka tanong nang tanong.’’

“Balak ko nga Mama, he-he-he!’’

“Sabi ko na nga ba.’’

“Nalimutan mo, Crea­tive Writing ang natapos ko.”

Napangiti lang si Mam Julia. Maya-maya pa, may sinabi na ukol kay Kastilaloy.

“May ipinagtapat sa akin si Lolo Fernando mo bago namatay. Tungkol kay Kastilaloy.’’

“Ano yun Mama?”

“Maraming alahas si Tiyo Dionisio. Dala niya lahat nang lumayas ang mga iyon!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

KASTILA

KASTILALOY

KAY

LOLO FERNANDO

MAM JULIA

RAW

SABI

TIYO DIONISIO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with