^

True Confessions

Sinsilyo (224)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI nakatulog si Gaude sa buong magdamag dahil sa nangyaring sunog. Kahit na unti-unting nawala ang wangwang at serena ng mga firetruck na pala­tandaang napatay na ang sunog, hindi pa rin siya makatulog. Nakahiga lang siya pero nakatingin sa kisame at iniisip kung nasaan si Lolo Kandoy. Baka kasamang nasunog? At muli, kung anu-ano na naman ang kanyang naisip. Baka natutulog na ang mga matatanda nang mangyari ang sunog at hindi na namalayan na malaki na ang apoy. Kung sa unahan ng bahay nagsimula ang sunog, tiyak na hindi makakalabas ang mga matatanda, kabilang si Lolo Kandoy. Ano naman kaya ang nangyari kay Mau at Lyka. At kay Kastilaloy?

Naalala niya na minsan, may sinabi si Lolo Kandoy na balak sunugin ni Kastilaloy ang bahay para mapatay si Mau, sa utos ni Lyka. Matindi raw ang galit ni Lyka kay Mau dahil nambababae ito at bukod doon, sinasaktan pa ito. Pero duda siya sa motibo ni Lyka kung bakit nais nitong ipapatay si Mau. Sabi niya kay Lolo Kandoy, baka gusto lamang maka-claim sa insurance si Lyka kaya nais mapatay si Mau. Naka-insured daw si Mau. Malaki ang maki-claim ni Lyka dahil siya lamang ang beneficiary.

Tumayo si Mau at dahan-dahang nagtungo sa comfort room para umihi. May naririnig pa rin siyang wangwang. Pero hindi iyon bumbero kundi ambulansiya. Maaaring nakuha na ang mga biktima ng sunog at dinadala sa ospital. Hindi kaya kabilang doon si Lolo Kandoy? Sana, hindi! Sana buhay si Lolo Kandoy.

Nahiga uli si Gaude. Si Lolo Kandoy pa rin ang kanyang naiisip. Kung namatay ang matanda sa sunog, paano na siya? Wala nang tutulong sa kanya. Wala nang magtatanggol sa kanya.

Sana, buhay pa si Lolo Kandoy!

KINABUKASAN, alas singko ng umaga ay nagtungo agad si Gaude sa pinangyarihan ng sunog.

Tupok na tupok ang bahay ni Mau. Ang nakatayo lang ay ang haligi at pader na pawang uling na.

Isang lalaki ang tina­nong ni Gaude.

“Sir mayroon bang na­matay sa sunog?”

“Meron. Matanda.”

(Itutuloy)

vuukle comment

KANDOY

KASTILALOY

LOLO

LOLO KANDOY

LYKA

MAU

SANA

SUNOG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with