^

True Confessions

Sinsilyo (212)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL na inihimpil ang kaliwang palad sa pagitan ng mga hita. Hindi iyon ina­asahan ni Kasti­laloy kaya para na naman siyang natuka ng ahas. Katulad ng unang pagkakataon na inilagay ang kanyang kamay sa “boobiski” at isinapo roon. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Lyka. Tala-gang wild si Lyka.

Lingid kina Kastilaloy at Lyka, nasaksihan na naman ni Tata Kandoy ang pangyayaring iyon. Kahit pinagbawalan siya ni Kastilaloy na huwag papasok sa bahay, ginawa pa rin niya. Hindi siya natatakot. Kailangang malaman niya ang ginagawa ng dalawa.

Iyon ang ikalawang beses na nahuli niyang may ginagawa sina Kastilaloy at Lyka. Una ay nang ipasok ni Lyka ang palad ni Kastilaloy sa loob ng shirt nito. Isinapo sa “boobiski”.

Hindi halos kumukurap si Tata Kandoy habang sinisilip sa awang ng pinto ang mga nangyayari sa loob. Masama na ang ginagawa ng dalawa. Nagkakaunawaan na ang mga ito. Hindi pa niya ganap na maunawaan kung bakit si Lyka pa ang kumukuha sa kamay ni Kastilaloy at nagpapatong sa maselang bahagi ng katawan nito. Tinutukso ni Lyka si Kastilaloy. Ano naman kaya ang mahihita niya sa matandang Kastilaloy?

Patuloy sa pagsilip si Kandoy. Halos hindi na siya kumukurap. Mahirap sumilip sapagkat bahagya lang ang awang ng pinto. Hindi siya gumagawa ng ingay at baka marinig ni Kastilaloy.

Nakita ni Kandoy na inalis na ni Lyka ang palad ni Kastilaloy sa pagitan ng mga hita.

Narinig din niya ang usapan ng dalawa.

“Solb ka na, Tatang?”

“Oo.’’

“Kaya mo nang gawin ang ipagagawa ko?”

“Oo sabi. Basta ikaw.’’

“Kaya mong yariin si Mau?’’

“Oo sabi.’’

“Sasabihin ko sa’yo kapag dumating siya.’’

“Sige. Kapag nagawa ko, tayo na ang magsama ha.’’

“Pero huwag mo akong idadawit Tatang.’’

“Oo naman. Basta ako ang bahala.’’

Hindi naman makapaniwala si Kandoy sa mga narinig. Sabi na nga ba at may masamang balak ang dalawa. (Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

KANDOY

KASTILALOY

KAYA

LYKA

OO

TATA KANDOY

TATANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with