^

True Confessions

Sinsilyo (22)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINAUMAGAHAN, habang naghuhugas ng kaldero si Gaude ay nilapitan ni Mau. Nagulat pa si Gaude dahil hindi naman ito maagang gumising.

“Pasukan na sa isang buwan ano, Gaude?”

“Opo Tito Mau.’’

“Ano ba ang balak mong course na eenrol?”

“Education po. Gusto ko pong magturo.’’

“Okey yan. Bagay sa iyo ang teacher.’’

“Talagang noon pa po ay gusto ko nang magturo.’’

“Sige. May malapit na unibersidad dito sa may Dimasalang. Puwede kang mag-inquire diyan. Mabuti at malapit. Puwedeng laka­rin. Kung gusto mo, sa Recto.’’

“Mag-iinquire po ako diyan sa malapit.’’

“Sige. Hindi na kita sasamahan. Alam ko naman na kayang-kaya mo ang mag-enrol na mag-isa.’’

“Opo. Kaya ko po Tito Mau.’’

“Dala mo ba ang card mo?’’

“Opo. Lahat po dinala ko. Mayroon na nga akong mga ID para hindi na  ako magpapa-kuha pa rito.’’

“Magaling. Gan­yan ang gusto ko, laging alerto!’’

“Salamat po Tito Mau.’’

“Kapag naka­pag-inquire ka na at mag-eenrol na, sabihin mo lang sa akin para maihanda ko ang pang-tuition mo. Installment lang ang piliin mo ha. Hindi ko puwedeng bayaran lahat. Yung mga binibilang mong barya ang pangtuition mo. Ipabubuo ko muna para hindi mabigat siyempre. Kakahiya namang magbayad ng puro barya.’’

“Opo Tito Mau. Salamat po.’’

Dumukot sa kanyang bulsa si Mau. Pera ang hinugot. Dalawandaang piso.

“O, eto baka mayroon kang pagbayaran sa school. Mabuti na ang may pera      sa bulsa.’’

“Salamat po, Tito Mau.”

“Mamayang alas nuwebe, pumunta ka na sa school diyan sa Dimasalang. Deretsuhin mo lang ang kalsada sa may bakery at makikita mo ang school. Matagal na rin ang school na yun. Nang tumira ako rito, nandiyan na ang school at marami rin ang nag-aaral. Nakikita ko dahil, dun ako nagdadaan.’’

“Sige po. Mamaya po aalis ako. Salamat po uli.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANO

BAGAY

DIMASALANG

MAU

OPO

OPO TITO MAU

SIGE

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with